Aksidente na naman sa daan! 6 patay, 4, sugatan sa salpukan ng tricycle at bus sa Calbayog City

Umiwas lamang sa isang improvised early warning device ang drayber ng isang tricycle. Sa kasamaang palad, may paparating na bus, na nagresulta sa salpukan ng dalawang sasakyan.

Anim ang nasawi at apat naman ang nasugatan sa banggaan ng isang tricycle ng tubig at bus Barangay Matobato sa Calbayog City, Samar bandang 1:00 a.m. ng madaling araw nitong bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Calbayog City Police Station (CPS), pauwi na galing sa Christmas party sa Barangay Rawis ang drayber ng tricycle at mga lulan nitong pasahero nang mangyari ang insidente.

Kwento ng CPS, hindi agad napansin ng drayber ng tricycle ang early warning device na nakapwesto tatlo hanggang apat na metro mula sa isang sirang backhoe nan akaparada sa lansangan. Lumiko ang drayber pakanan para maiwasan ang naturang signage kanya naman sumalpok ito sa paparating na bus.

Ang nasabing device ay improvised lamang na bakal at plywood na pinatungan ng reflector vest.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng bus, na nakakaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury, at damage to property.