Ako Bicol umayuda sa mga estudyante sa Daraga, Albay

Nakipagsanib-pwersa ang Ako Bicol Party-list sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng tulong-pinansyal sa 1,226 estudyante mula sa Daraga, Albay nitong Abril 6.

Nakipagsanib-pwersa ang Ako Bicol Party-list sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng tulong-pinansyal sa 1,226 estudyante mula sa Daraga, Albay nitong Abril 6.

Ayon sa post ng Ako Bicol, ginanap ang pamamahagi ng ayuda sa Embarcadero De Legazpi sa Legazpi City.

Tumanggap ng tig-P5,000 ang mga estudyante, na mula sa 27 barangay ng Daraga.

Pinangunahan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Kito Co ang aktibidad, na bahagi ng programang ‘Tabang sa Edukasyon.’

Ang Ako Bicol ay determinado na ipagpatuloy ang pagtulong sa mga nangangailangang estudyante.