Ako Bicol umalalay sa mga estudyante sa Albay

Nagpamahagi ng tulong-pinansyal ang Ako Bicol Party-list sa 577 estudyante sa Legazpi City, Albay nitong Lunes.

Nagpamahagi ng tulong-pinansyal ang Ako Bicol Party-list sa 577 estudyante sa Legazpi City, Albay nitong Lunes.

Ayon sa ulat, ang mga benepisyaryo ay mga piling mag-aaral mula sa Banquerohan High School, Cagbacong High School at Homapon High School.

Tig-P5,000 ang tinanggap na educational assistance ng bawat isa.

Tiniyak naman ni dating Ako Bicol Congressman Christopher ‘Kito’ Co na magpapatuloy ang programa ng Party-list na pagtulong sa mga estudyanteng gusto makapagtapos ng pag-aaral.

Ang tulong-pinansyal ay nakapailalim sa ‘Tabang sa Edukasyon’ program ng Ako-Bicol.