Ako Bicol tuloy pagtulong sa mga Bicolanong estudyante

Nakaalalay ang Ako Bicol party-list sa mga estudyante nangangailangan ng tulong mula sa Rapu Rapu, Albay.

Nakaalalay ang Ako Bicol party-list sa mga estudyante nangangailangan ng tulong mula sa Rapu Rapu, Albay.

Nagagawa ng pre-validation at orientation ang Ako Bicol para sa abot 921 estudyante na benipisyaryo ng kanilang educational assistance.

Ang pre-validation ay isinagawa upang masigurong maayos, tama at kompleto ang mga requirements ng mga estudyante na dadalhin nila sa araw ng payout.

Katulong ng Ako Bicol ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa naturang programa.

Bukod sa educational assistance ay aktibo rin ang Ako Bicol sa medical mission sa pamamagitan ng kanilang Tarabangan Caravan.