Ako Bicol, Tesda sanib-pwersa sa pagtulong sa bawat Bicolano

Patuloy ang pag-alalay ng Ako Bicol party-list at Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) sa mga Bicolano.

Patuloy ang pag-alalay ng Ako Bicol party-list at Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) sa mga Bicolano.

Kasama rito ang 43 scholars na nakatanggap ng toolkits sa kanilang pagsalang sa Special Training for Employment.

Natuto ang mga scholar ng Electrical Installation and Maintenance NCII mula sa Data Base Technology College Inc. na nasa Gubat, Sorsogon.

Pumasok din ang mga scholar sa Computer Communication Development Institute Inc. sa Sorsogon.

Ang programang ito ay bahagi ng Ako Bicol Partylist sa pakikipagtulungan sa TESDA na layong makatulong sa mga Bicolano na magkaroon ng maayos na hanapbuhay.