Ako Bicol, TESDA, sanib-pwersa para makapagtapos 50 scholar

Nagtulong ang Ako Bicol party-list at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para makapagtapos ang abot sa 50 scholar.

Nagtulong ang Ako Bicol party-list at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para makapagtapos ang abot sa 50 scholar.

Nakumpleto ng mga scholar ang 43 araw ng training at national assessment sa kursong Beauty Care (Nail Care) Services NC II sa ilalim ng Training For Work Scholarship Program (TWSP).

Naganap ang graduation ng mga scholar sa Eve Gate Academy sa Bonot, Legazpi, Albay nitong February 23.

Dumalo sa ceremony si Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon, na nagpaabot ng mensahe sa mga scholar na magkakaroon ng maayos na kinabukasan sa tulong ng libreng training.

Nangako naman si Ako Bicol Congressman Zaldy Co na patuloy ang suporta ng kanilang party-list para matulungan ang mga Pilipino na makamit ang kanilang pangarap.