Ako Bicol pinasinayan bagong pasilidad sa Camp Elias Angeles sa CamSur

Isa sa mga nanguna ng isinagawang groundbreaking ceremony para sa mga bagong pasiliidad sa Camp Elias Angeles sa may Pili, Camarines Sur ay ang Ako Bicol Partylist.

Isa sa mga nanguna ng isinagawang groundbreaking ceremony para sa mga bagong pasiliidad sa Camp Elias Angeles sa may Pili, Camarines Sur ay ang Ako Bicol Partylist.

Sa Facebook post, ibinahagi ng partylist ang video sa naganap na groundbreaking.

Ayon sa post, katuwang nila ang 9TH Infantry Division ng Philippine Army at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa proyekto.

Makatutulong umano sa mga sundalo ang pagpapaganda ng pasilidad para mapabuti ang solar water system, training school, female barracks ng kampo.

“Ang Ako Bicol PartyList sa pangunguna ni Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co ay katuwang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsusulong ng mga proyektong mas mapahusay ang kakayahan ng mga sundalo,” pahayag sa post.

TINGNAN: