Ako Bicol Party-list umayuda sa mga bilanggo

Namahagi ng mga gamot at mga kagamitang panlinis ang Ako Bicol Party-list sa mga persons deprived of liberty o PDL sa Sto. Domingo District Jail sa Albay.

Namahagi ng mga gamot at mga kagamitang panlinis ang Ako Bicol Party-list sa mga persons deprived of liberty o PDL sa Sto. Domingo District Jail sa Albay.

Mga sabon, cleaning material, at medical supply gaya ng bitamina at face mask ang ipinamahagi ng Ako Bicol sa mga PDL.

Layunin nito na mapanatili ang kalinisan hindi lamang sa pangangatawan ng mga PDL kundi maging sa kanilang kapaligiran.

Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng ika-limang taong selebrasyon ng “Malusog na Pag iisip at Pangangatawan, Diwa at Puso ng Kawanihang Pampiitan,” sa naturang bilangguan.

Samantala, noong Marso 9 naman ay nagbigay ng 1,500 na sabon ang Ako Bicol sa color fun run ng Bureau Jail Management and Penology (BJMP) Regional Office V.

Ang pagbibigay ng sabon ay kasabay na rin ng paggunita sa Women’s Month Celebration. Layunin nito na palaganapin ang kahalagahan ng proper hygiene sa mga kababaihan.