Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, isinusulong ang ‘contract growing’ para sa mga magsasaka

Hinihikayat ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ang gobyerno na pag-aralan ang pagpapatupad ng ‘contract growing’ scheme ng bigas para sa mga magsasaka.

Iminungkahi naman ni Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ang pagsasagawa ng “contract growing” sa pagitan ng gobyerno at mga magsasaka upang makatulong sa pagpapanatili ng mababang presyo ng bigas.

Magbibigay rin ito ng garantisadong kita sa mga magsasaka dahil nakatakda ang presyo ng kanilang ani sa kontrata, paliwanag pa ni Co, na tumatayong chairman ng House appropriations committee.

Isang bahagi ng ani ng mga magsasaka na aabot sa 50 porsyento nito ang maaaring ibenta sa napagkasunduang presyo, habang ang matitira ay pwedeng ibenta gamit ang kasalukuyang presyo sa merkado para kumita sila kapag mataas ang antas nito.

“Mas maganda’ yung contract grow-farming na corporation, ‘yung malalaki, ‘yung 4,000 hectares, 5,000 hectares kasi mas madaling i-control ‘yan,” ayon kay Co.

“Win-win situation na sige 50 percent contracted and 50 percent may upside ka, so pwede ka rin malugi dun sa 50 percent upside mo,” dagdag pa niya.

Sa contract growing scheme, magsasaka ang panalo dito, diin ni Co.