Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co: House appropriations committee, tinapos na ang mga pagdinig para sa 2024 national budget

Tinapos na ng House Committee on Appropriations ang mga pagdinig para sa budget ng gobyerno sa susunod na taon, ayon kay Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co.

Winakasan na ng House Committee on Appropriations ang mga pagdinig na ginagawa nito para sa pambansang budget sa susunod na taon matapos ang pagtalakay ng mga panukala ng iba’t ibang mga ahensya noong Martes, Setyembre 12.

Sinabi ni Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co na tututukan pa rin niya ang pagpasa ng panukalang budget sa plenaryo ng Kamara matapos ang magwakas ng pag-usisa nito sa lebel ng kumite.

“I remain committed to my promise to expedite the passage of the 2024 GAA (General Appropriations Act). It is our moral and civic duty to ensure that the budget is enacted efficiently, but also effectively, so as to better serve our fellow Filipinos,” ani Co, chairman ng House appropriations committee.

“The work is far from over, but the completion of these budget briefings marks a critical milestone in our journey towards a more prosperous and equitable Philippines,” dagdag pa ni Co.

Nagpasalamat si Co sa kanyang mga kasamahan dahil sa kanilang mabusising pag-usisa sa pondo ng gobyerno para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P5.768 trillion.

“We have taken significant strides towards finalizing the 2024 budget, which promises to be a landmark budget focused on national growth and the welfare of the Filipino people,” sinabi ni Co.

“I want to express my deep gratitude to my esteemed colleagues in the Appropriations Committee and the dedicated congressmen who have worked meticulously in reviewing and valuable suggestions for the budget,” dagdag pa ng kinatawan ng Ako Bicol Party List.