Zaldy Co sa Kamara: Ipasa agad ang 2024 national budget

Hiniling ni Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co sa buong plenaryo ng Kamara ang agarang pagpasa ng House Bill (HB) No. 8980, o ang pambansang budget para sa taong 2024.

Hinikayat ni Ako Bicol Party List Rep. Zaldy Co ang buong Kamara na ipasa ang House Bill (HB) No. 8980, o ang general appropriations bill para sa taong 2024, bilang pagtupad ng buong makinarya ng gobyerno sa mandato nito na i-angat ang buhay ng bawat mamamayan.

Sa talumpati niya Martes, Setyembre 19 ng umaga, isinulong ni Co sa buong plenaryo ng Kamara na ang panukalang batas, na dininig at binusisi ng Committee on Appropriations na pinamumunuan niya.

“This measure is the lifeblood of our government. It allocates funds to ensure that government functions effectively. The budget allows us to fulfill our promises to the people, address their needs, and move our country forward,” paliwanag ni Co.

“Preparing the national budget is a complex and challenging process. It requires careful consideration of evolving economic, social, and political factors. It also entails a delicate balancing act between financing priority projects and managing debt while ensuring long-term economic stability,” dagdag ng mambabatas.

“As we do the budget, it is equally important to monitor and address the capacity of government agencies to manage and complete projects. We must ensure that they have the required tools, resources, skills, and oversight to implement projects efficiently. Funds that are not effectively utilized or are underutilized, lead to project delays which hinder critical infrastructure and impede economic progress,” ani Co.

Pangunahin sa prayoridad ng 2024 national budget ang mga sektor ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura, serbisyong panlipunan, food security, at iba pa, ayon kay Co.