Kalusugan, pabahay, pagkain, prayoridad ni PBBM sa 2024 budget – Zaldy Co

Popondohan sa 2024 national budget ang priority programs ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tulad ng specialty hospitals, pabahay sa mga mahihirap, at food self-sufficiency, ayon kay Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co.

Tatlong binhi ang itatanim sa tulong ng panukalang 2024 budget sa ilalim ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at ang nakasalalay ang matagumpay na pagpapatupad nito sa maagap na pagpasa ng Kongreso, ayon kay Rep. Zaldy Co.

Nagtalumpati si Co, pinuno ng House appropriations committee, upang isulong sa plenaryo ng Kamara ang House Bill No. 8980, o ang general appropriations bill para sa 2024, nitong Martes, Setyembre 19 hudyat na nagsimula na ang pagtalakay sa taunang budget ng gobyerno.

“The proposed national budget for Fiscal Year 2024 under the Administration of President Ferdinand Marcos, Jr. is anchored on the theme ‘Agenda for Prosperity: Securing a Future-Proof and Sustainable Economy.’ Post-pandemic recovery continues to be the budget’s main focus, while aiming towards the promised future of an inclusive and sustainable economy,” ani Co, na kinatawan ng Ako Bicol Party List.

Paliwanag ni Co, hiniling ng Pangulo sa pamamagitan ng Department of Budget and Management na maglaan ng sapat na budget para sa mga specialty hospitals, programang pabahay, at mga programang food self-sufficiency.

“Nais ng Pangulo na pangalagaan ang kalusugan ng bawat Pilipino. Dahil dito, popondohan ng Kongreso ang mga legacy specialty hospitals tulad ng heart and kidney centers at maging cancer. Bukod sa libreng pagpapagamot, hindi na kailangan pang bumiyahe nang malayo papuntang Manila ang ating mga kababayan para malapatan ng tama at de-kalidad na lunas,” ani Co.

“Flagship program po ng Pangulo ang pabahay. Sa pamamagitan ng 2024 budget at sa mga susunod na taon, patuloy nating popondohan ang Legacy Housing program more or less 6Million housing- hanggang maabot natin ang target na anim na milyong murang pabahay para sa pinakamahihirap nating kababayan,” patuloy ng kinatawan.

“Nais wakasan ng Pangulo ang dinaranas nating kakapusan sa pagkain. Dahil dito, maglalaan ang Kongreso ng mas malaking budget para sa irigasyon at agrikultura. Layunin nating maging self-sufficient o kaya’y maging net exporter ng bigas sa mga darating na taon. Susi dito ang patubig, pataba, binhi at tamang teknolohiya para sa pagtatanim,” dagdag ni Co.