Ako Bicol party-list patuloy sa tulong medikal sa Batasan

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong medikal ng Ako Bicol Partylist para sa mga Pilipinong kapos at hindi makapunta sa ospital.

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong medikal ng Ako Bicol Partylist para sa mga Pilipinong kapos at hindi makapunta sa ospital.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang isinagawang na People’s Day kamakailan.

Tuwing Lunes ay ginaganap ang People’s Day sa North Gate ng Batasang Pambansa sa Quezon City.

Ani Co, lahat ay maaaring makahingi ng tulong basta’t magdala lamang ng medical abstract, indigent certificate, at valid ID upang ma-process agad ang kanilang Medical Assistance for Indigent Program.

“Magastos ang magkasakit at hindi biro ang bayarin sa pagpapagamot sa mga ospital. People’s Day is our way of bringing aid closer to people in need,” caption ni Co.

“Welcome ang lahat na lumapit for medical assistance every Monday sa Batasang Pambansa! Just bring the necessary documents para mabilis ma-process ang requests niyo,” dagdag pa nito.