Ako Bicol Party-List, Nanguna sa medical-dental mission sa Pio Duran, Albay

Malaking tulong ito lalo pa't karamihan sa kanyang mga kababayan ay kabilang sa mga kapos sa buhay na kung minsan ay iniinda na lamang ang mga nararamdaman sa katawan dahil sa kawalan ng pampagamot o pangtustos, ayon sa alkalde ng bayan.

PIO DURAN, Albay – Labis na ikinalugod ni Pio Duran, Albay Mayor Allan Arandia ang idinaos na Medical-Dental Mission ng Ako Bicol Party-list sa kanilang bayan nitong Lunes, Disyembre 4.

Aniya, malaking tulong ito lalo pa’t karamihan sa kanyang mga kababayan ay kabilang sa mga kapos sa buhay na kung minsan ay iniinda na lamang ang mga nararamdaman sa katawan dahil sa kawalan ng pampagamot o pangtustos.

Binuksan ang libreng serbisyo medikal sa 33 barangay ng bayan na ginanap sa Pio Duran Memorial District Hospital at mag tatagal ng hanggang sa Disyembre 7.

Kabilang sa mga medical assistance na inaalok ng partido ay libreng FP Services para sa surgical and non-surgical, minor surgery gaya ng cyst, hernioplasty, flu vaccination, HPV, cancer screening at marami pang iba.

Samantala, naging posible naman ang medical mission sa pagtulong at pakikibahagi ng Bicol Regional Hospital and Medical Center, LGU Pio Duran, at Pio Duran District Hospital.