Ako Bicol Party-List, namahagi ng maternity at hygiene kits sa Legazpi City

Tuloy-tuloy lang ang pagbabahagi ng maternity at hygiene kits mas marami pang kababayang nangangailangan ang matulungan, ayon sa isang opisyal.

Namahagi ang Ako Bicol Partylist ng libreng maternity at hygiene kits para sa mga buntis at day care pupils sa Barangay Tamaoyan, Legazpi City, pasado alas 10:00 ng umaga nitong Sabado, Disyembre 2.

Pinangunahan ni Ako Bicol Partylist Executive Director Atty. Alfredo Garbin Jr. ang pamamahagi ng aguinaldo sa tinatayang 200 na piling residente dito.

Ayon kay Atty.Garbin, magpapatuloy pa ang maternity at hygiene kits distribution ng partido upang mas marami pang kababayang nangangailangan ang matulungan.

Samantala, naging posible naman ang aktibidad sa tulong ng Children International Philippines Incorporated, Gardenia Philippines at iba pang mga katuwang na stakeholders ng partido,