Ako Bicol Party-list hinandog multi-purpose building sa Buraguis, Legazpi

Pormal nang itinurn-over ng Ako Bicol Party-list ang bagong multi-purpose building sa mga barangay officials ng Brgy. Buraguis, sa Legazpi, Albay.

Pormal nang itinurn-over ng Ako Bicol Party-list ang bagong multi-purpose building sa mga barangay officials ng Brgy. Buraguis, sa Legazpi, Albay.

Nitong February 8, inihatid ng Ako Bicol ang tatlong palapag na multi-purpose building na binansagang “Tahanan ng Inisyatibo at Nasyonalismo ng AKB building.”

Dumalo sa blessing at inauguration ng naturang gusali ang mga barangay officials ng Brgy. Buraguis sa pangunguna ni Barangay Chairwoman Tina Ajero.

Present din sa turnover ceremony si Ako Bicol Executive Director Atty. Alfredo Garbin Jr.

Ang naturang multi-purpose building ay magsisilbing function hall or session hall, mini library, barangay health workers room, daycare center, PBN home owners association at livelihood training center para sa mga residente ng Brgy. Buraguis.

Samantala, nangako naman si Garbin na patuloy ang pagsasagawa ng mga katulad na proyekto, lalo na ang pagpapatayo ng mga classroom sa mga pampublikong paaralan.

Nagpasalamat naman ang barangay council kina Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at Rep. Jil Bongalon para sa matagumpay na proyekto na layong matulungan ang mga residente ng naturang barangay.