Ako Bicol Party List, DSWD, namahagi ng tulong sa mga mag-aaral sa Albay

350 na estudyante sa Legazpi City ang nakatanggap ng cash assistance para sa kanilang pag-aaral

LEGAZPI CITY – Nasa 350 na bagong batch ng estudyante sa Lungsod ng Legazpi ang nabigyan ng educational assistance ng Ako Bicol Party List at Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Bicol nitong Miyerkules, Setyembre 23, 2023.

Idinaos ang naturang payout sa The Central Plaza ng Embarcadero de Legazpi.

Mababatid nitong Lunes, Setyembre 25, 2023, nasa 350 rin na piling estudyante sa lungsod ang nauna nang nabigyan ng cash assistance ng partido at DSWD na nagkakahalaga ng P5,000.00.

Samantala, nasa 350 hanggang 1,500 pang estudyante ang nakatakda pang mabigyan ng tulong ng partido hanggang sa October 15, 2023.

Layunin ng Ako Bicol Party List at ng DSWD na mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng pursigidong makapagtapos ng pag-aaral na kalauna’y magdadala ng pagbabago sa estado ng kanilang pamumuhay.