Ako Bicol Party List at Children International Inc., namahagi ng wheelchair sa mga PWD sa Catanduanes

Patuloy ang pag-abot ng tulong sa mga Bicolano ng Ako Bicol Party List at mga ka-alyadong advocacy groups.

CATANDUANES – Limang persons with disabilities (PWDs) sa isla ang napiling bigyan ng libreng wheelchair ng Ako Bicol Party List, Free Wheelchair Mission (FWM) at Children International Philippines Inc. sa huling lingo nitong nagdaang buwan.

Kasama sa mga nabigyan ang 17-anyos na Grade 11 student na si Rafael Tapelbriza ng Barangay Solong ng bayan ng San Miguel, ang walong buwang stroke patient na si Maylene Abundo ng Barangay Sto. Domingo kung saan nabigyan rin ng educational assistance ang kaniyang dalawang anak na isang high school at college student.

Kasama rin sa mga nabigyan ang mag-inang Esmiralda at Loly Padilla na magda-dalawang taon ding hindi nagkita dahil na rin sa katandaan ni Lola Esmiralda at pagiging stroke patient ni Nanay Loly na muling nagkatagpo dahil sa pagsusumikap ng partido.

Napili rin maging benepisyaryo ang 73-anyos na si Delia Mendoza ng Barangay San Jose.

Samantala, isa sa pangunahing layunin ng partido ay ang mapagaan kahit papaano ang buhay ng mga benepisyaryo.