Ako Bicol Online TV, ginawaran ng parangal ng Philippine Statistics Authority

Kinilala ng Philippine Statistics Authority (PSA)-Bicol sa kanilang ika-10 taong anibersaryo ang Ako Bicol Online TV sa kanilang kontribusyon sa larangan ng pamamahayag.

Kasabay ng ika-10 taong anibersaryo ng Philippine Statistics Authority (PSA)-Bicol, binigyang pagkilala ng naturang opisina ang mga nakatulong nila sa kanilang mga programa, adbokasiya, tagumpay at iba pa.

Idinaos ang Appreciation Ceremony sa Proxy Hotel sa Lungsod ng Legazpi nitong Biyernes, September 22, 2023.

Sa Local Government Unit Category, binigyang pagkilala ang Albay Tourism, Culture and Arts Office, LGU Daraga at Provincial Planning and Development Office Albay.

Sa Provincial at Regional Government Agency Category, binigyang pagkilala ang DEPED Schools Division Office of Albay, DEPED Bicol, Mines and Geosciences Bureau Bicol, Department of Environment and Natural Resources Bicol, DSWD Bicol at DOLE Bicol.

Sa Academic Category, binigyang pagkilala ang University of Santo Tomas-Legazpi o UST-Legazpi at Divine World College of Legazpi.

Para sa Radio at TV Network Category, isa mga nagawaran ng parangal ang Ako Bicol Online TV.

Ayon kay PSA Regional Director Cynthia Perdiz, ito rin ang kanilang pasasalamat sa kanilang stakeholders. Ito rin ang unang beses na ginawa ang naturang seremonya.

Ang tema ng aktibidad ay: PSA @10 Providing Quality Services through Digital Transformation.