Ako Bicol namudmod libreng gamot, medical assistance sa CamSur

Nakatanggap ang mga residente ng Lagonoy, Camarines Sur ng libreng serbisyong medikal at gamot sa isinagawang "Ako Bicol Tarabangan Caravan: Medical, Dental Mission."

Nakatanggap ang mga residente ng Lagonoy, Camarines Sur ng libreng serbisyong medikal at gamot sa isinagawang “Ako Bicol Tarabangan Caravan: Medical, Dental Mission.”

Mula sa pangunguna ng Ako Bicol Partylist, bukod sa libreng serbisyong medikal, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng libreng gamot galing sa Tanchuling General Hospital, Inc.

Kasama sa mga dumalo sa naturang caravan ay sina Ako Bicol Congressman Jil Bongalon at Lagonoy Acting Mayor Jerry Jake Remoto.

Ani Remoto, malaking tulong ang programang ito sa kanilang mga Lagonoy na nahihirapang makapunta sa doktor upang makapagpatingin.

Samantala, nagsagawa rin ng libreng gupit, masahe, at nail care ang Ako Bicol Partylist para sa mga benepisyaryo.