Ako Bicol namahagi ng wheelchair sa mga PWD sa Sorsogon

Nagpamigay ng wheelchair ang Ako Bicol party-list sa piling Persons with Disabilities (PWDs) sa Bulan, Sorsogon.

Nagpamigay ng wheelchair ang Ako Bicol party-list sa piling Persons with Disabilities (PWDs) sa Bulan, Sorsogon.

Bukod sa wheelchair ay namahagi rin ang naturang party-list ng diaper, wipes, at iba pang gamit.

Layon ng distribusyon na ito na mabigyan ng bagong pag-asa ang kanilang mga benepisyaryo, ayon kay Ako Bicol Partylist Congressman Atty. Jil Bongalon.

Dahil dito, pinasalamatan ni Bongalon ang Free Wheelchair Mission at Children International Philippines Inc. na kanilang katuwang sa pamamahagi.

Samantala, sinabi ni Bongalon na magpapatuloy ang kanilang programa na maghahatid ng kaginhawaan sa bawat benepisyaryo at kanilang pamilya.