Ako Bicol nagpaalala para iwas altapresyon: Maging aktibo

Nagpaalala ang Ako Bicol Partylist sa publiko na mag-ingat sa banta ng altapresyon, ngayong ipinagdiriwang ang Hypertension Awareness Month.

Nagpaalala ang Ako Bicol Partylist sa publiko na mag-ingat sa banta ng altapresyon, ngayong ipinagdiriwang ang Hypertension Awareness Month.

Base kasi sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ika-6 na dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino noong Enero hanggang Setyembre 2023 ay ang hypertension.

Bukod pa riyan, ika-10 ang naturang sakit sa pangunahing sangi ng kamatayan sa Bicol region noong taong 2021.

Dahil dito, nagbigay ng payo ang Ako Bicol sa Facebook post. Ayon sa partylist, upang maiwasan ang altapresyon ay kinakailangan maging aktibo ang isang tao.

Kinakailangan umano ng ehersisyo ng katawan; dapat ding kumain ng masustansya; umiwas sa alak, sigarilyo at kape; iwasan magpaka-stress; bantayan ang dami ng kinakain at ang timbang; at palaging i-monitor ang blood pressure.

“Isang lifestyle disease ang hypertension at maaaring namamana o nakukuha depende sa inyong lifestyle,” caption ng partylist sa FB.

“Kaya galaw-galaw at maging aktibo mga Kasurog. Bantayan ang timbang at maghinay-hinay sa mga pagkaing maaaring magpataas ng dugo,” dagdag pa nito.

TINGNAN: