Ako Bicol kasado na health caravan sa Malinao, Albay

Maghahatid ng tulong ang Ako Bicol party-list sa Brgy. Jonop sa Malinao, Albay sa pamamagitan ng Tarabangan Caravan!

Maghahatid ng tulong ang Ako Bicol party-list sa Brgy. Jonop sa Malinao, Albay sa pamamagitan ng Tarabangan Caravan!

Nagtungo ang Ako Bicol sa naturang barangay para makipagpulong kay Punong Barangay Wilfredo Casia para sa gagawing health caravan.

Kasama ng Ako Bicol ang mga kinatawan Tanchuling General Hospital, Inc. para maplano ang gagawing medical mission sa Brgy. Jonop.

Aabot sa 500 hanggang 600 na benepisyaryo ang inaasahang matutulungan ng Ako Bicol sa pamamagitan ng libreng check-up.

Nandiyan din ang libreng blood chemistry test, 2D Echo, ECG at X-Ray para sa mga residente ng Brgy. Jonop.

Bukod diyan, magkakaroon din ng libreng masahe at haircut, pati ang local recruitment para sa mga naghahanap ng trabaho.

Gaganapin sa February 29 ang Tarabangan Caravan sa nasabing barangay.