Ako Bicol hinandog water supply system sa Tiwi, Albay

Pinasinayan na ang donasyon na solar-powered water supply system ng Ako Bicol party-list sa isang paaralan sa Tiwi, Albay.

Pinasinayan na ang donasyon na solar-powered water supply system ng Ako Bicol party-list sa isang paaralan sa Tiwi, Albay.

Ipinagkaloob ng Ako Bicol ang naturang water supply system para sa Tiwi Agro-Industrial School.

Nagsagawa ng turnover ceremony sa senior high school campus ng paaralan para sa naturang proyekto na pinondohan ng P5 million.

Ang naturang water supply system ay may 16 na solar panel na makatutulong para sa filtration ng tubig para maging safe ito inumin.

Ayon kay Ako Bicol party-list Representative Jil Bongalon, abot sa 400 solar-powered water supply system na ang kanilang naihandog sa Bicol.