Ako Bicol dumayo sa Malinao, Albay para sa medical mission

Patuloy ang medical mission ng Ako Bicol party-list sa iba't ibang parte ng Region V.

Patuloy ang medical mission ng Ako Bicol party-list sa iba’t ibang parte ng Region V.

Nitong Biyernes, dumayo ang ‘Tarabangan Caravan’ sa Brgy. Jonop sa Malinao, Albay para magsagawa ng libreng healthcare at livelihood services.

Libong residente ang natulungan ng naturang inisyatibo ng naturang party-list sa pangunguna nina Ako Bicol Rep. Elizaldy Co at Rep. Jil Bongalon.

“We are giving the people the medical services they need. We want to ensure that everyone can have free access to what the government can give to different sectors in the community,” ayon kay Bongalon.

Bukod pa sa mga medical mission sa mga barangay, nagtabi rin ng pondo ang Ako Bicol para naman matulungan ang mga pasyente na naka-admit sa mga pribadong ospital.

“We want to dispel this notion that when it is a private hospital, it is expensive. In order not to discourage the public from seeking medical attention from private hospitals, we give attention by allocating funds to it,” saad pa ni Bongalon.

Nais ng Ako Bicol na matulungan ang abot sa 13,000 residente sa Bicol ngayong taon.