Ako Bicol, DSWD binuhos ayuda sa mga estudyante sa Albay

Nagpatuloy ang pagbibigay ng financial assistance ng Ako Bicol party-list katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DWSD) sa mga estudyante sa Albay.

Nagpatuloy ang pagbibigay ng financial assistance ng Ako Bicol party-list katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DWSD) sa mga estudyante sa Albay.

600 na estudyante mula sa third district ng Albay ang nakakuha ng cash assistance na isinagawa sa Oas Community College.

Sa Embarcadero De Legazpi din ay dagdag 600 estudyante ang napagkalooban ng tulong pinansyal ng Ako Bicol at DSWD.

1,200 estudyante naman ang benepisyaryo din ng financial assistance sa bayan ng Camalig.

Maging sa Tabaco National High School ay umabot din ang tulong na ibinabahagi ng Ako Bicol.