Ako Bicol, DOLE nagpamudmod ng ayuda sa Albay

Nagsanib-pwersa ang Ako Bicol Party-list at Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamahagi ng cash assistance sa mga benepisyaryo ng Tulong Sa Panghanapbuhay Sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) sa Camalig, Albay kamakailan.

Pinangunahan ni Ako Bikol Executive Director Atty. Alfredo Garbin ang pamamahagi ng tulong pinansyal.

Dalawang barangay sa Camalig ang tinunguhan ng Ako Bicol, ang Ilawod at Tagoytoy. Umabot sa 150 benepisyaryo ang natulungan ng Ako Bicol at DOLE sa Barangay Ilawod habang 94 naman ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa Tagoytoy.

Inulan naman ng positibong reaksyon mula sa mga netizen ang aktibidad na ito.