Ako Bicol Cup Catanduanes, puspusan na ang paghahanda!

11 na koponan ang maglalaban-laban para sa titulo.

LEGAZPI CITY – Patuloy ang ginagawang paghahanda Ako Bicol Cup Committee para sa gaganaping Ako Bicol Cup sa isla ng Catanduanes ngayong Oktubre.

Nitong Sabado, October 7, 2023, sumailalim na sa briefing ang mga referees at head coaches ng lahat ng koponan.

Anim na local players, limang guest players, at dalawang import lamang ang maaaring kunin ng bawat koponan.

11 koponan ang kasali sa Catanduanes Leg, kasama rito ang mga bayan ng San Miguel, San Andres, Baras, Gigmoto, Virac, Bato, Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Biga, at Caramoran.

Sa ngayon, wala pang nakatakdang araw kung kailan magsisimula ang Ako Bicol Cup Catanduanes ngunit target na gawin ito sa loob lamang ng tatlong linggo ngayong buwan.