Ako Bicol, CHED, mamimigay ayuda sa mga estudyante sa Albay

Nakatakdang makatanggap ang mga mag-aaral sa Albay ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Tulong-Dunong Program (TDP) ng Commission on Higher Education (CHED) at sa tulong ng Ako Bicol Party-List (AKB).

Ayon kay AKB media relations officer Sally Luces, nasa kabuuang 184 na estudyante ang makakakuha ng P7,500 kada semester.

Aniya, nagsimula na ang orientation sa mga mag-aaral mula sa Tabaco City at iba pang bayan sa unang distrito sa Albay

Dagdag pa ni Luces, makakabawas ang financial assistance na ito sa gastusin ng mga magulang para sa requirements at proyekto ng mga bata.

“The AKB with Rep. Elizaldy Co and CHED started the orientation for the 184 students from Tabaco City and other towns of the 1st District in Albay province. They can expect the cash grant before the end of the school year,” ani Luces.

“Dagdag tulong ang financial aid, lalo na sa mga projects, requirements nila sa school. Hindi na nila ito hihingin sa kanilang mga magulang, makakabawas na ito sa gastos para sa isang pamilya lalo na madaming nag aaral na mga kapatid,” dagdag pa nito.