Ah, so fans lang pala ang sensitibo?! Anne Curtis, walang sama ng loob kay Vice Ganda matapos ang ‘lapse of judgment nito

Sa nasabing biruan ng dalawa, nakumbinsi ni Vice Ganda sa Curtis na banggitin ang “Nice Ganda,” na tagline naman ng McDonald's na iniendorso ng una kasama si Paolo Ballesteros ng “EAT . . . Bulaga.”

Tiniyak nina Anne Curtis at Vice Ganda na okay sila matapos mag-viral sa social media ang palitan nila sa “It’s Showtime,” kung saan nakumbinsi ng huli ang una na sabihin ang tagline ng karibal ng kumpanyang iniendorso niya.

Sa nasabing biruan ng dalawa, nakumbinsi ni Vice Ganda sa Curtis na banggitin ang “Nice Ganda,” nan tagline naman ng McDonald’s na iniendorso ng una kasama si Paolo Ballesteros ng “EAT . . . Bulaga.”

Endorser si Curtis ng Jollibee, na siya namang karibal ng McDonald’s.

Agad namang humingi ng paumanhin si Curtis.

“Ayyy! Bad ‘yon sa ‘kin! Sorry po! Pasensya na po kayo,” sey ni Curtis, na malawang ay humihingi ng dispensa sa pamunuan ng Jollibee.

“Kapag nawalan ako ng kontrata… Pasensya na po kayo. Hindi ko sinasadya. Lapse of judgement sorry,” dagdag pa niya.

Kinalaunan ay humingi rin ng dispensa si Vice Ganda sa X (dating Twitter).

“I put Anne in an uncomfortable situation. Wrong. Sorry,” sabi niya.

Nag-post rin si Curtis sa X at tiniyak na walang samaan ng loob sa pagitan nila ni Vice Ganda.

“Vice and I are fine,” saad ni Curtis. ” It was a lapse of judgment on both sides.”

Nag-reply naman ni Vice Ganda at nag-sorry muli.

“I apologized to her and pinagtawanan na lang namin,” aniya.