Ah, may legit palang manghuhula? Scammer na nagpapakilalang ‘feng shui expert,’ kalaboso matapos ang ilang taong panloloko

Ang modus ng suspek ay magpakilalang feng shui expert upang mapasok ang iba’t ibang bahagi ng bahay ng kaniyang mga biktima para pagnanakawan.

Tapos na ang ilang taong panloloko ng isang lalaking nagapanggap na feng shui expert para makapagnakaw sa iba’t ibang tahanan.

Inaresto ng mga operatiba ng special operations unit ng Quezon City Police District (QPCD) si Ivan Borromeo sa isang condominium building sa Barangay Socorro, Quezon City nitong Biyernes, Enero 12, sa bisa ng isang warrant of arrest para sa estafa at pagnanakaw.

“Sa dami ng mayayaman na nabiktima niya, more or less P50 million,”saad ni QCPD director Brig. Gen. Redrico Maranan.

Kwento niya, ang modus ni Borromeo ay magpakilalang feng shui expert upang mapasok ang iba’t ibang bahagi ng bahay ng kaniyang mga biktima para pagnanakawan.

Dagdag niya, 2015 pa ginagawa ni Borromeo ang kaniyang panlilinlang, at sadya niyang tinatarget ang mga mayayamang pamilya.