Agri Festival, inilunsad ng Bicol University-Guinobatan

Tampok ang iba’t ibang produkto tulad ng coco products, gulay, organic fertilizer, at iba pa sa isinagawang Agri Festival ng Bicol University sa Guinobatan.

ALBAY – Pormal nang binuksan nitong Lunes, Setyembre 25, 2023 ang Agri Festival ng Bicol University Guinobatan Campus.

Iba’t-ibang produkto ang tampok rito katulad ng coco products, mga gulay, wine, pili ice cream, herbal tea, organic fertilizer, handy crafts at iba pa.

Ang mga kasaling exhibitor ay kinabibilangan ng mga estudyante ng naturang campus. Bukas din ito kahit sa mga maliliit na negosyante.

May tema ang aktibidad na Sustainable Agriculture Food and Natural Resources.

Ikinalugod naman ng Dean ng BU Guinobatan Campus na si Roscefe Dy ang sipag at husay ng kanilang mga estudyante na naging rason upang maisakatuparan ang kanilang pinaka-unang agri festival na nag papakita ng galling ng mga BUe ño.

Samantala, dumalo rin sa naturang pagbubukas ang president ng unibersidad na si Baby Boy Benjamin Nebres.

Magtatagal ang agrifest hanggang sa Setyembre 28, 2023.