Agresibo pa rin sila: Barko ng PCG, muntik banggain ng Chinese Coast Guard

Muntik nang mabangga ng isang barko ng Chinese Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard sa isa na namang tensyonadong engkwentro sa may Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Halos mabangga nanaman ng isang malaking barko ng Chinese Coast Guard (CCG) ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa gitna na isang resupply mission sa Ayungin Shoal.

Naganap ang insidente noong nakaraang Miyerkules, Oktubre 4, kung saan nagsilibing mga escort ang BRP Sindangan at BRP Cobra sa dalawang bangkang patungo sa Ayungin Shoal para dalhin ang mga suplay.

“Despite heavy blockade from at least three CCG vessels and several Chinese militia vessels, the two resupply ships reached Ayungin Shoal around 1 p.m.,” pagtitiyak ng PCG.

Naganap naman ang muntikang banggaan nang lumapit ang BRP Sindangan sa mga papalapit na bangka at harangin itop ng CCG vessel 21156. Ayon sa ulat, halos 3 metro na lamang ang layo ng hull ng magkabilang barko.