Agree ang marami: Mga Pinoy, aprubado ang paglipat ng Kamara sa confidential funds ng civilian offices patungo sa national security agencies

Ayon sa isang survey, 57% ng mga Filipinos ay sang-ayon sa desisyon ng Kamara na ilipat ang mga confidential at intelligence funds sa mga ahensyang nakatoka sa national security, samantalang 14% lang ang hindi sang-ayon.

Mahigit 57% ng mga Filipinos ay sang-ayon sa desisyon ng Kamara na ilipat ang mga confidential at intelligence funds sa mga ahensya na nakatoka sa national security.

Iyan ay ayon sa pinakahuling OCTA Research Tugon Ng Masa Survey na ginawa mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 5. May kabuuang 1,200 respondents ito sa buong bansa.

Ayon sa survey, alam ng 72% na may mga talakayan ukol sa confidential funds.

“This was highest in Balance Luzon at 75% and lowest in Mindanao at 24%. Among socio-economic groups, 72% of class ABC agreed (highest) while 54% of class E agreed (lowest),” saad ng OCTA Research said.

Marami sa mga may alam hinggil sa isyu ng confidential funds ay mga taga Luzon (87%), samantalang 39% sa Mindanao ay kulang ang kaalaman dito.

Sa kabuuan, 14%lamang ang hindi sang-ayon sa ginawang paglipat ng mga confidential at intelligence funds.