Aghon patuloy pananalasa sa Aurora

Napanatili ni Bagyong Aghon ang lakas at bugso na ngayon ay binabaybay ang probinsya ng Aurora, ayon sa 8:00 A.M bulletin ng PAG-ASA.

Napanatili ni Bagyong Aghon ang lakas at bugso na ngayon ay binabaybay ang probinsya ng Aurora, ayon sa 8:00 A.M bulletin ng PAG-ASA.

Nakataas sa TCWS No. 2 ang hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran) at timog silangan ng Isabela (Dinapigue, Palanan). May lakas ng hangin si Aghon na aabot sa 140 km/h malapit at bugsong aabot sa 170 km/h.

Nasa TCWS No. 1 naman ang ilang probinsya sa Luzon na kinabibilangan ng:

• Natitirang bahagi ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian)
• Silangang bahagi ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay)
• Timog ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda)
• Natitirang bahagi ng Aurora
• Hilaga ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kasama ang Polillo Islands
• Hilangang kanluran ng Camarines Norte (Paracale, Jose Panganiban, Vinzons, Capalonga) kasama ang Calaguas Islands

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Aghon ng Miyerkules ng hapon, habang gumagalaw pa-hilagang kanluran at napapanatili ang lakas bilang Typhoon.

Samantala, umabot na sa mahigit 2,700 na mga Pilipino ang apektado ng Bagyong Aghon.