Aghon napanatili lakas; Signal No. 2 nakataas parin sa ilang bahagi ng Luzon

Nananatiling nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang dalawang lugar habang patuloy na nagpapanatili ng lakas si Bagyong Aghon habang kumikilos sa Philippine Sea malapit sa Aurora province.

Nananatiling nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang dalawang lugar habang patuloy na nagpapanatili ng lakas si Bagyong Aghon habang kumikilos sa Philippine Sea malapit sa Aurora province.

Narito ang mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 2:
– Ang timog-silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, Palanan)
– Ang hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

Samantala, nasa ilalim naman ng TCWS No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
– Ang hilagang-silangang at timog-silangang bahagi ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian)
– Ang silangang bahagi ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay)
– Ang timog-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda)
– Ang natitirang bahagi ng Aurora
– Ang hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kasama ang Polillo Islands
– Ang hilagang-kanlurang bahagi ng Camarines Norte (Paracale, Jose Panganiban, Vinzons, Capalonga) kasama ang Calaguas Islands

Sa tala ng PAGASA, ang sentro ng mata ni Bagyong Aghon ay tinatayang nasa 100 km silangan timog-silangan ng Casiguran, Aurora na may maximum sustained winds na 140 km/h malapit sa sentro, at pagbugso ng hangin na umaabot ng hanggang 170 km/h, at central pressure na 965 hPa.

Inaasahang magtatagilid nang direksyon ng hilagang-silangan ang Bagyong Aghon sa Philippine Sea at lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa hapon o gabi ng Miyerkules bilang isang bagyong typhoon.