Aghon, mas lumakas; signal no. 2, itinaas na sa Quezon

Mas lumakas na bilang Tropical Storm si Aghon na kasalukuyang bumabaybay sa Tayabas, Quezon, ayon sa 5:00 AM bulletin ng PAG-ASA.

Mas lumakas na bilang Tropical Storm si Aghon na kasalukuyang bumabaybay sa Tayabas, Quezon, ayon sa 5:00 AM bulletin ng PAG-ASA.

Napalakas ni Aghon ang kanyang lakas ng hanging umaabot sa 65 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 90 km/h.

Itinaas na sa Signal no. 2 ang ilang lugar sa Southern Luzon kung saan inaasahan mararamdaman ang hanging may bilis na 62 hanggang 88 km/h na may katamtamang at malakas na pag-ulan.

SIGNAL NO. 2
LUZON
Northern at central portions ng Quezon (Alabat, Perez, Quezon, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Unisan, Pitogo, Plaridel, Agdangan, Padre Burgos, Atimonan, Mauban, Real, General Nakar, Infanta, Sampaloc, Pagbilao, Calauag, Lucban, City of Tayabas, Lucena City) kasama ang Polillo Islands

SIGNAL NO. 1
LUZON
Southeastern portion ng Isabela (Palanan, Dinapigue), southern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan), southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda), eastern at southern portions of Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, PeƱaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen), Aurora, eastern portion ng Pampanga (Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Santa Ana, Arayat), Bulacan, Metro Manila, the rest of Quezon, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, northern portion ng Oriental Mindoro (Pinamalayan, Pola, Naujan, Victoria, Socorro, City of Calapan, Bansud, Gloria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Roxas), Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, northern portion ng Albay (Tiwi, Polangui, Malinao, Libon, Oas, City of Ligao), at Burias Island.

Gumagalaw si Aghon sa pa-hilagang kanluran sa bilis na 10 km/h at inaasahang lalabas ng bansa mula Quezon o Aurora mamayang gabi o bukas nang umaga habang pinapanatili nito ang lakas bilang tropical storm.