‘Aghon’ lumakas bilang severe tropical storm; Signal No 3 sa Quezon, itinaas!

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Severe Tropical Storm ang bagyong "Aghon" nitong Biyernes.

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Severe Tropical Storm ang bagyong “Aghon” nitong Biyernes.

Ayon sa ulat, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa silangang bahagi ng Quezon province bandang alas-5 ng hapon.

Nasa TCWS Signal No. 2 naman ang Aurora; hilaga at gitnang bahagi ng Quezon; Laguna; silangang bahagi ng Batangas; silangan at gitnang bahagi ng Rizal; at ang hilagang bahagi ng Camarines Norte.

Habang nasa TCWS No. 1 ang silangang bahagi ng Isabela; silangang bahagi ng Quirino; timog bahagi ng Nueva Vizcaya; silangan at timog bahagi ng Nueva Ecija; timog bahagi ng Bataan; silangang bahagi ng Pampanga; Bulacan, Metro Manila; natitirang bahagi ng Quezon; natitirang bahagi ng Rizal; natitirang bahagi ng Batangas; hilaga at gitnang bahagi ng Oriental Mindoro; Marinduque; pinakadulong hilagang bahagi ng Romblon; natitirang bahagi ng Camarines Norte; at Camarines Sur.

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Aghon ay namataan 135 kilometro hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, patungong kanlurang-hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometer per hour (kph).

Bukod pa riyan ay taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 55 kph na may pagbugsong aabot sa 70 kph.

Samantala, magpapatuloy sa buong gabi ngayong Linggo ang maulan hanggang sa masungit na panahon sa Metro Manila, Cental Luzon, at Southern Luzon.