Age doesn’t matter! Batangas Gov Mandanas ikinasal sa abogada

Sa edad na 80, muling ikinasal si Batangas Governor Dodo Mandanas sa isang abogado na higit na mas bata sa kanya.

Sa edad na 80, muling ikinasal si Batangas Governor Dodo Mandanas sa isang abogado na higit na mas bata sa kanya.

Ginanap ang wedding ni Mandanas kay Atty. Angelica Chua, Miyerkoles, May 8, sa Minor Basilica-Parish of the Immaculate Conception and Archdiocesan Shrine of Sto. Niño ng Batangan sa Batangas.

Dumalo sa wedding sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at First Lady Liza Marcos.

Present din sina House Speaker Martin Romualdez, San Miguel Corp. CEO Ramon Ang at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Inanunsyo ni Mandanas ang muling pagpapakasal sa isang video na binahagi sa Facebook ni Lian Vice Mayor Ronin Leviste noong Abril.

Naging biyudo si Mandanas noong pumanaw ang kanyang misis na si Anakalusugan party list Rep. Regina Reyes Mandanas taong 2022.