AFP tutugisin pumatay sa 4 sundalo sa Maguindanao

Determinado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tugusin ang mga rebelde na pumatay sa apat na sundalo sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Linggo.

Determinado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tugusin ang mga rebelde na pumatay sa apat na sundalo sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Linggo.

Sa pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, nagpaabot ito ng pakikiramay sa naiwang mahal sa buhay na apat na sundalo binuwis ang buhay sa ambush ng grupong Dawla Islamiyah-Hassan.

Nangako si Brawner na hindi titigil ang AFP na mapanagot ang teroristang grupo.

“The AFP vows to hunt down the perpetrators and neutralize these ruthless killers to finally put a stop to their violent acts that disrupt peace and stability in the region,” ayon kay Brawner.

“We assure the Filipinos that your Armed Forces is firm on its resolve to perform our mandate of protecting the people and the state,” aniya pa.

Nangyari ang ambush bandang alas-10 ng tanghali.

Pabalik na sana ng base ang apat na sundalo matapos nilang mamili ng supplies nang bigla silang atakehin ng rebeldeng grupo.