AFP target tapusin NPA ngayong taon, opensiba mas pinaigting!

Tiniyak ni National Security Adviser Eduardo Año na pagsisikapan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuluyang mapadapa ang 11 guerilla front ng New People's Army (NPA) bago matapos ang kasalukuyang taon.

Tiniyak ni National Security Adviser Eduardo Año na pagsisikapan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuluyang mapadapa ang 11 guerilla front ng New People’s Army (NPA) bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ayon kay Año, kahit pa external defense na ng Pilipinas ang pagtutuonan ng pansin ng AFP ay hindi nito pababayaan ang pakikibaka sa mga lokal na terorista kabilang na ang NPA.

“So kahit na nagta-transition iyong ating Armed Forces from internal to external, marami pa ring role ang Armed Forces dito. Particularly, ang ating goal is to dismantle the 11 weakened guerilla fronts up to the end of the year and this will also include dismantling 26 vertical units and party organs within the 27 sub-regional committees and 40 regional party committees,” saad ni Año.

Bukod umano sa militar ay kailangan din ang tulong ng kapulisan sa pagsugpo sa NPA.

“So the PNP and the Armed Forces will work closer because some areas na cleared na will have to be handled by the Philippine National Police as the Armed Forces transition into the external defense mode,” paliwanag ni Año.

Sa panig naman ni AFP chief of staff Gen. Romeo S. Brawner, sinabi nito na magiging madalas ang bakbakan sa pagitan ng militar at NPA dahil na rin sa kanilang naisin na malipol ang mga ito.