AFP sisilipin pagbaha ng estudyanteng Chinese sa Cagayan

Iimbestigahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napaulat na pagdagsa ng mga estudyanteng Tsino sa lalawigan ng Cagayan.

Iimbestigahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napaulat na pagdagsa ng mga estudyanteng Tsino sa lalawigan ng Cagayan.

“Meron tayo d’yan how they got in the Philippines in the first place, ‘yung legality ng pagpasok nila dito sa bansa natin. Do they have the necessary papers? Sabi nga, estudyante ‘to, si meron ba silang student visa that are required,” saad ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla.

Dagdag pa niya, makikipag-ugnayan umano ang militar sa Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs, Commission on Higher Education, at Philippine National Police upang malaman ang legalidad ng pagpasok ng mga estudyanteng Tsino sa Cagayan.

Batay sa ulat ni Cagayan Rep. Joseph “Jojo” Lara, tinatayang nasa 4,600 ang mga estudyanteng Tsino sa isang pampribadong kolehiyo sa lalawigan. Gumagala pa umano ang mga ito sa mga pampublikong lugar suot ang kanilang mga ID.

“We just want to know why. We are not against having foreign students, but what we fear is we have an issue with China. If there are 4,600 Chinese students in one private university and the private university even admits it, it is very alarming,” wika ni Lara.

Samantala, una ng sinabi ng PNP na legal ang pagpasok ng mga estudyanteng Tsino sa Cagayan at inimbitahan pa umano sila ng CHED.