AFP sa publiko: Labanan fake news sa WPS!

Umapela ang Armed Forces of the Philippines sa publiko na gamitin ang social media accounts para labanan ang mga pekeng balita ukol sa West Philippine Sea.

Umapela ang Armed Forces of the Philippines sa publiko na gamitin ang social media accounts para labanan ang mga pekeng balita ukol sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, tulungan ang gobyerno sa paglaban ng maling balita.

“Ang panawagan natin na makatulong ang bawat isa sa ating mga kababayan na ipakalat sa mundo ang katotohanan tungkol dito sa [mga issues ng West Philippine Sea],” pahayag ni Padilla.

Sa ilalim ng Communication Plan Mulat (Awakened) for the West Philippine Sea, target ng AFP na mapalakas ang transparency, counter disinformation, public awareness kaugnay sa mga karapatan ng Pilipinas sa WPS.

“By enhancing public awareness and rallying patriotic sentiment, the plan aims to unite Filipinos in advocating for the nation’s interests and contributing to a more resilient Philippines,” pahayag ng opisyal.

“The Philippines has a great online presence. The truth is on our side, the law is on our side,” dagdag ni Padilla.

Una nang nagbabala si AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. sa “united front works” ng China na paghati-hatiin ang mga Filipino.