AFP sa Pinoy: ‘Wag matakot mangisda sa WPS, atin ‘yan!

Sinigurado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala dapat ikatakot ang mga mangingisdang Pilipino na manghuli sa West Philippine Sea.

Sinigurado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala dapat ikatakot ang mga mangingisdang Pilipino na manghuli sa West Philippine Sea.

Matatandaang naglabas ng pahayag ang China na huhulihin ang sino mang magte-“trespass” sa South China Sea, na sakop ng WPS.

Ayon kay AFP chief General Romeo Brawner Jr., kasama ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ay tinalakay na nila ang mga hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pinoy.

“Sinabi namin sa kanila is that for them not to be afraid but to just go ahead with their normal activities na mangisda doon sa ating exclusive economic zone (EEZ). Remember atin po itong ezclusive economic zone na ito, we have the right to exploit the resources in the area,” wika ni Brawner sa ginanap na Air Force Symposium and Expo 2024.

“Kaya po dapat ay hindi matakot ang ating mga mangingisda anyway nandyan po ang inyong Armed Forces of the Philippines, ang ating Philippine Navy, pati na rin ang Philippine Coast Guard. Marami po tayong pinaguusapan na hakbangin na gagawin in order for us to protect our fishermen,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na ang bagong regulasyon ng China ay malinaw na paglabag sa batas at international norms sa karagatan.