AFP, PCG palakasin! Romualdez suportado PBBM sa tensyon vs China

Nagpahayag ng suporta si House Speaker Martin Romualdez sa hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na palakasin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Nagpahayag ng suporta si House Speaker Martin Romualdez sa hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na palakasin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Sa gitna ito ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

“We stand united in support of President Marcos, Jr.’s firm resolve to enhance our defense capabilities to uphold our country’s sovereignty and protect our national interest in the West Philippine Sea,” ani Romualdez sa isang pahayag.

“The House of Representatives is solidly behind his decisive leadership and unwavering commitment to safeguarding our sovereignty and territorial integrity,” dagdag pa niya.

Noong Martes ay iniulat ng National Task aforce for the West Philippine Sea ang pangbo-bomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa supply vessel ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Nagkaroon din umano ng banggaansa pagitan nang harangin ng isang CCG ship ang barko ng PCG na umaalalay sa mga supply vessels ng Pilipinas.