AFP mataas ang morale!

Nanatiling mataas ang morale ng mga sundalo na nagbabantay sa West Philippine Sea.

Nanatiling mataas ang morale ng mga sundalo na nagbabantay sa West Philippine Sea.

Pahayag ito ni Defense Secretary Gilbert Teodoro matapos bisitahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palawan ang nasugatang sundalo at iba pang tauhan ng Armed Forces of the Philippines na nagsasagawa ng rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Teodoro na sa kabila ng mga hamon, nanatiling inspired ang mga sundalo.

“I can unequivocally state that, masasabi ko, na mataas ang morale ng ating mga sundalo,” pahayag ni Teodoro.

“Sa harap nitong mga hamon na ito, lalo silang nainspire at paiigtingin nila ang pagpapatupad ng kanilang mga duties. At ang bisita ng Pangulo kahapon ay nagsemento ng kanilang morale. Nalaman ni Presidente ang totoong nangyari, nainterview niya isa-isa, nalaman din niya ang kundisyon nila ngayon. Some have injuries na kahalo-bilo niya, hindi lamang ‘yung na-injure kundi kanilang mga pamilya,” pahayag ni Teodoro.

Nagpasalamat din si Teodoro sa taong bayan sa patuloy na pagsuporta sa mga polisiya ni Pangulong Marcos.

Pinasalamatan din ni Teodoro ang grupong Finex, Management Association of the Philippines, Association of Generals and Flag Officers at iba pa na sumusporta sa administrasyon at sa mga sundalo.