AFP iimbitahan Japan sa ‘Balikatan 2025’

Inimbitahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Japan para makilahok sa gaganaping Balitakan sa susunod na taon.

Inimbitahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Japan para makilahok sa gaganaping Balitakan sa susunod na taon.

Kasama ng Pilipinas sa taunang military exercise ang Estados Unidos.

Ayon kay Balikatan executive agent Colonel Michael Logico, inaasahan umano nila na sasali sa susunod na taon ang Japan sa pagbuo ng konsepto.

“I will say as early as now, we are already extending an invitation for Japan to take part in the next Balikatan exercise,” saad ni Logico.

“As early as the concept development, kasama na ang representatives from so that we can firm up a wider participation from the armed forces Japan,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Logico na balak na talagang makilahok ng Japan sa Balikatan ngayong taon, ngunit masyado nang huli para makasali sila.

Dahil dito, nagpadala na lamang ang naturang bansa ng mga kinatawan upang maging tagamasid sa pagsasanay.

Samantala, kasama sa mga magiging tagamasid sa Balikatan 2024 ay ang mga kinatawan mula sa Brunei, Canada, France, Germany, Great Britain, India, Indonesia, Malaysia, New Zealand, South Korea, Singapore, Thailand, at Vietnam.