AFP hiling makasama Japan sa military exercise

Hiling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng military exercise kasama ang Japan Self-Defense Forces.

Hiling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng military exercise kasama ang Japan Self-Defense Forces.

Isa sa mga nais mangyari ng AFP ang katulad ng pagsasanay ng militar ng bansa sa tuwing magkakaroon ng “Balikatan” drills.

“This is our hope and forward looking, this is what we envision,” pahayag ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla.

Gayunpaman, sinabi ni Padilla na wala pang plano sa kung paano ang disenyo ng inaasahang drill.

Nais kasi umano nila na maging kakaiba ang kanilang isasagawang ehersisyo sa iba pang bilateral exercises na mayroon ang AFP sa ibang mga bansa.

Samantala, lumagda na ang Pilipinas at Japan sa Reciprocal Access Agreement (RAA) na nagpapahintulot sa parehong bansa na magpadala ng mga puwersang militar sa teritoryo ng isa’t isa para sa mga joint exercises.