AFP chief sa NPA: Isuko na ang armas, itigil ang gulo

Nanawagan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr. sa mga natitirang miyembro ng New People's Army (NPA) na sumuko na at itigil ang pagrerebelde sa gobyerno.

Nanawagan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr. sa mga natitirang miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko na at itigil ang pagrerebelde sa gobyerno.

Sa anibersaryo ng NPA nitong Marso 29, pinaalala ni Brawner sa NPA na walang kinahantungan ang kanilang pakikibaka kundi pagdurusa at pagkakabaha-bahagi lamang.

“I urge every remaining member of the New People’s Army (NPA) to take a moment of reflection and reconsideration. The armed struggle only brought about suffering and division,” saad ni Brawner.

“It is time to break the cycle of violence and embrace the possibility of peace. It is time to lay down your arms and abandon the armed struggle,” dugtong pa niya.

Inimbitahan rin ni Brawner ang mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan at mamuhay nang normal kasama ang kanilang mga pamilya.

“Let this anniversary be a turning point, a moment of renewal and hope. Let us embrace the path of peace, dialogue, and reconciliation. The time has come for us to join hands and work towards a better tomorrow,” dagdag pa ni Brawner.