AFP chief sa militar: ‘Wag paapekto sa politika!

Pinaalalahanan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner, Jr. ang sandatahang lakas na manatiling nakatuon sa kanilang misyon sa kabila ng kaguluhan sa mundo ng politika.

“Let us not be affected by the political bickerings, let us focus on our jobs,” saad ni Brawner sa kanyang “Talk to the Troops” sa 1st Infantry Division ng Philippine Army nitong Martes.

Ani Brawner, walang dapat kampihan na politiko ang militar at ang tangi nilang susundin ay kung ano ang nakasaad sa Konstitusyon ng bansa.

“We do not take sides in the conflicts that are happening. We only have one side, and that is, on the side of the Constitution and the duly constituted authorities,” dagdag pa niya.

Dinalaw rin ni Brawner ang burol ng anim na sundalong nasawi sa engkwentro kontra Dawlah-Islamiyah Maute Group sa Munai, Lanao del Norte noong Linggo.

Patuloy ang operasyon ng AFP upang matugis ang mga nalalabing miyembro ng Dawlah-Islamiyah Maute, na utak sa pagpapasabog sa Mindanao State University gymnasium noong Disyembre.